Game 1: Bolts vs. Kings, simulan na ang pustahan!
- MC / ATD
- Jan 7, 2020
- 2 min read

Opensa kontra depensa. Sa teknikal na termino ito ang karakter ng ikatlong paghaharap ng Barangay Ginebra- Meralco rivalry ngayong gabi sa Araneta Coliseum.
Nakapaskel sa statistics na nasa Kings ang bentahe ng opensa na kanilang mga sandata pero tila ang Bolts ang pipigil sa kanila. Diyan ngayon magkakaalaman kung sino ang pinakamatibay at matikas na team ngayong 2020.
Sa panulat ng PBA.ph ang Ginebra ang numero uno sa torneo na may iskor na 105.3 points kada game kumpara sa Meralco na 98.5 na ranked 3rd sa puntos na may 90.8 kumpara sa Gins, 99.4. Nangunguna ang Kings sa field-goal shooting percent, pero ang magkaribal ay halos magkapareho sa iba pang stats departments kung saan may kalamangan ang Ginebra na makapigil sa Bolts. Para naman kay Bolts coach Norman Black, depensa ang palalakasin nila para makuha ang korona. Nais naman ni coach Tim Cone na ma-challenge nang husto sa depensa, pero titiyakin niyang aalagwa ang bataan niyang si Justin Brownlee, Stanley Pringle, Japeth AGuilar, LA Tenorio, Greg Slaughter, Jeff Chan, Scottie Thompson at Art dela Cruz. “It’s gonna come down to playing good basketball. I think that’s both coaches try to preach. The’ve been the best defensive team this conference like quite a bit, and best rebounding team quite a bit. Those are the things what we’ll try to figure out,” ani Cone.
“ I always tell my players if you want to win the championship, you have tp play a good basketball game offensively and defensively. You got to be prepared on what they’re attacking you with,” ani Black. “ I can’t think of the past. I can’t bring it back. I just concentrate on the future and that’s winning the championship.”





Comments