top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kc, out sa b-day celeb sa ASAP… Hirit ni Sharon kina Frankie, Miel at Miguel: Sana, gayahin nyo si S

  • Janice DS Navida
  • Jan 6, 2020
  • 3 min read

Birthday today (January 6) ni Megastar Sharon Cuneta. Happy Birthday, Ate Shawie!

Kahapon ay binigyan ng birthday tribute ang singer-actress sa ASAP Natin ‘To at naging emosyonal ang Megastar nang sorpresahin ng malalapit niyang kaibigan sa showbiz sa pangunguna nina Regine Velasquez, Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Vina Morales at maging si Ms. Cherie Gil na gumanap na mortal enemy noon ni Sharon sa Bituing Walang Ningning movie ay dumating at nag-duet sila.

At lalo pa siyempreng naging emosyonal si Ate Shawie sa pagdating ng kanyang better half na si dating Sen. Kiko Pangilinan at ng kanilang tatlong anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Teary-eyed na sabi ng Megastar, “Pasensiya na ho, medyo emotional ako. Kasi nagulat ako sa mga surprise.”

Kaya lang, mukhang dahilan din ng pagiging emotional ng Megastar ang hindi pag-appear ng kanyang panganay na si KC Concepcion sa birthday tribute sa kanya ng ASAP Natin ‘To.

Nag-dialogue kasi si Ate Shawie ng “Kasi alam ko, apat ang anak ko, eh.”

Kasunod nito, malaman din ang naging pahayag ni Mega na, “Salamat sa lahat ng anak-anakan ko. Thank you, Frankie, Miel and Miguel for giving importance to Mama, and loving me, and being respectful and kind, grateful children.”

At lalo kaming naintriga nang sabihin ni Ate Shawie sa kanyang tatlong anak na, “I hope you emulate Ate Sarah (Geronimo) who’s such a good child din.

She’s been so blessed because of that. Or Mama Reg (Regine Velasquez), or Mama J, Mama Juday (Judy Ann Santos).”

Hala! May tampuhan na naman ba sila ni KC?

Bakit naman imbes sabihin ni Mega na ang kanyang panganay ang gayahin ng kanyang 3 younger children, eh, sina Sarah, Regine at Juday ang ibinigay niyang halimbawa ng pagiging mabuting anak?

And wait, there’s more!

Dagdag pa ni Ate Shawie na ewan kung parinig niya kay KC, “Ipinagdarasal ko rin lahat ng aking mga anak... na sana, lumaki kayo na nakatapak ang mga paa sa lupa. Huwag nakalilimot sa pagmamahal ng magulang at sa lahat ng nagawa ng mga magulang ninyo sa inyo.” Awww!!!

Pati tuloy ang ilang netizens na nakapanood sa birthday tribute ng ASAP Natin ‘To kay Sharon, hindi naiwasang mag-comment sa kanyang Instagram post. Ang daming naghahanap kung nasaan at bakit hindi dumating si KC para batiin ang kanyang mama.

Sabi ng netizen na may IG username na patriotsfanlove, “I hope KC did not miss your asap birthday. I hope she listens to you and respect you being her mother. KC, I’m afraid is look alike and have ugali like Gabby towards you. KC might have her own hidden insecurities too that we need to understand. Hope you try to patch things up. Happy Birthday!”

Comment naman ng isang wanderer_924 na hindi nagustuhan ang mga sinabi ni Ate Shawie, “I watched u in Asap today and may pagkabastos ka rin magsalita. Very obvious na there’s a bad blood between u and KC. hmm maybe bcos of her current beau. And u don’t need to tell on natl. tv whom your 2 younger daughters should emulate to and that is Sarah G. Sino ba gusto mo, sa bakla bumalik anak mo @reallysharoncuneta.”

Ang tinutukoy ng netizen na “current beau” ni KC ay ang nali-link dito ngayong international singer na si Apl.de.Ap.

Hmmm… May kinalaman nga kaya si Apl.de.Ap kung totoong may tampuhan ngayon ang mag-inang Sharon at KC?

Let’s wait kung magsasalita ang isa man sa kanilang tatlo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page