Damay sa giyera sa Middle East.. OFWs, binalaan sa pagpo-post sa FB
- BRT
- Jan 6, 2020
- 1 min read

Inabisihan ng Blas Ople Policy Center, isang organisasyong tumutulong sa distressed overseas Filipino workers (OFWs) na magdoble-ingat ang mga Pinoy sa Middle East dahil sa posibilidad na monitored na ng gobyerno roon ang kanilang mga kilos at galaw.
Huwag na umanong mag-post ng political statements o comments sa social media tulad ng Facebook at maging maingat din sa mga ipinadadala sa email.
“Be very careful about what they post on social media, i-assume na natin lahat na they are being heavily monitored,” ani Susan Ople.
Ipinapayo rin na palaging dalhin ang mga passport at working permit kahit saan magpunta.
Napag-alaman na sa gitna ng lumalalang tensiyon sa Middle East kaugnay sa napaslang na Iranian general dahil sa airstrike ng Amerika, nakiprotesta ang mga Pilipino sa Los Angeles, California upang ipanawagan ang kapayapaan.
Bitbit ng mga nagpoprotesta ang placards na may katagang “No war to Iran”, at kinondena ang naging utos ni US President Donald Trump na patayin si Iranian Top Commander Qassem Soleimani, ang itinuturing na ikalawang pinakamataas na lider sa Iran.





Comments