top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

World war III, coming soon, may bagong relihiyon na lulutang!

Ka Ambo
Jan 5, 2020
1 min read

Nagkakainitan na ang U.S. at Iran.

Nagbabadya na ang World War III!

◘◘◘

MAAARING magkampihan ang Iran, Russia, China, Syria at North Korea.

Makakasagupa nila ang U.S., E.U. (European Union), Britain, Japan at South Korea!

◘◘◘

DAMAY ang Pilipinas kapag nagdeklara ng giyera ang U.S. laban sa Iran.

Ito ay dahil sa mutual defense treaty!

◘◘◘

KAPAG sumali ang AFP sa away ng U.S. kontra Iran, maliwanag na makakalaban ng Pilipinas ang China na posibleng kumampi sa Iran.

Maaaring sandali lang ang WW III kasi biglang magpapakawala ng nuclear bomb ang magkakalaban!

◘◘◘

WALANG panalo sa nuclear war dahil ang malalaking bansa ay pare-parehong mawawasak.

Guguho ang kanilang gobyerno at magkakaroon ng “bagong porma” ang mga pamahalaan!

◘◘◘

KUNG aling bansa ang aangat at aling ideolohiya ang kakalat ay walang nakaaalam.

Iisa ang malinaw: Magkakaroon ng “new world economic order” na kontrolado pa rin ng mga dating multi-bilyunaryong tao sa daigdig!

◘◘◘

MALINAW kung gayun na taliwas sa paniniwala ng marami, hindi ang lider ng gobyerno ang may kontrol ng daigdig — bagkus, ito ay kontrolado ng pribadong sektor na may “kontrol ng kayamanan” sa ibabaw ng lupa.

Mabubuwag ang United Nations (UN) na tuta at ginagamit lamang ng makapangyarihang bansa!

◘◘◘

ISANG bagong alyansa ng mga gobyerno ang mabubuo.

Isang bagong ideolohiya ang lulutang.

Isang bagong relihiyon ang sasambahin!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page