top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sen. Leila, kahit matapos na ang term bilang senador, kulong pa rin

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 5, 2020
  • 2 min read

IMBES NA BIGTIME DRUG LORDS, BIGTIME NEGOSYANTE ANG IPATOTOKHANG NI P-DUTERTE — Ayon kay P-Duterte, tutuluyan niyang sasampahan ng kasong economic sabotage para makulong ang mga bigtime businessman na sina Fernando Zobel de Ayala ng Manila Water at Manny V. Pangilinan ng Maynilad dahil maanomalya raw ang kontratang pinasok ng mga ito sa gobyerno na may kaugnayan sa pagsu-supply ng tubig sa Metro Manila, Cavite at Rizal.

Akala ng publiko, ang mga bigtime drug lord na tulad ni Peter Lim ang ipatotokhang ni P-Duterte, ‘yun pala, ang mga bigtime negosyante na tulad nina Ayala at Pangilinan ang tutuluyan ng pangulo, boom!

◘◘◘

KAPAG HINDI IBINASURA NI P-DUTERTE ANG ‘PORK’, PARANG TUMAMA NA RIN SA LOTTO ANG MGA CONG. — Bukas ay lalagdaan na ni P-Duterte ang P4.1 trillion 2020 National Budget at sa isyung ito, wala pang sinasabi ang Malacañang kung tatanggalin o ibi-veto ng pangulo ang tig-P500 milyong “pork barrel”, este, pang-“projects” na isiningit ng mga kongresista para sa kanilang distrito.

Kung sakaling hindi ibasura ni P-Duterte ang isiningit ng mga kongresista na pang-“projects” sa 2020 National Budget, aba, para na rin palang tumama sa lotto ang mga congressman buwisit!

◘◘◘

PRO-DUTERTE SENATORS, BAKA IDAMAY NI SEN. DE LIMA NA IPA-BAN SA TATE? — Bukod sa mga gov’t. official na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima na ipina-ban sa Amerika, 20 kongresista na pro-Duterte pa raw ang nais ng senadora na ma-banned din sa Tate.

Dahil d’yan, malamang kakaba-kaba na ang mga senador na pro-Duterte, baka sila ang next na idamay ni Sen. De Lima na ipa-banned din sa Amerika, abangan!

◘◘◘

BAKA TAPOS NA ANG TERMINO NI SEN. DE LIMA BILANG SENADORA, NASA SELDA PA RIN SIYA? — Hindi nagpasindak ang tropang Duterte sa travel ban na ipinataw sa kanila ng U.S. at patunay d’yan na ipina-banned din ni P-Duterte na makapasok sa bansa ang tatlong U.S. senators na humihirit na palayain ang detinadong senadora.

Bad news ‘yan kay Sen. De Lima kasi ang pagtabla ng Duterte gov’t. sa hirit ng Amerika na palayain siya ay indikasyong tapos na ang termino niya bilang senadora sa 2022 ay nasa selda pa rin siya, saklap!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page