Karapatan ng illegitimate children sa mana ng ama
- Persida Acosta
- Jan 5, 2020
- 3 min read
Itinuturing ang illegitimate child bilang isa sa mga sapilitang tagapagmana ng kanyang mga magulang. Kinakailangan lamang patunayan ng nasabing illegitimate child ang kanyang relasyon sa namatay na ama. Nakasaad sa Article 887 ng Civil Code ang mga sumusunod:
“Art. 887. The following are compulsory heirs:
(1) Legitimate children and descendants, with respect to their legitimate parents and ascendants;
(2) In default of the foregoing, legitimate parents and ascendants, with respect to their legitimate children and descendants;
(3) The widow or widower;
(4) Acknowledged natural children, and natural children by legal fiction;
(5) Other illegitimate children referred to in Article 287.”
Ang anak ay itinuturing na hindi lehitimo kapag siya ay isa sa mga sumusunod:
1. Children born to couples who are not legally married or of common-law marriages;
2. Children born of incestuous marriages;
3. Children born of bigamous marriages;
4. Children born of adulterous relations between parents;
5. Children born of marriages void for reason of public policy under Article 38 of the Family Code;
6. Children born of couples below 18, where they are married or not;
7. Children born of other void marriages under Article 15 unless otherwise provided.
Bilang sapilitang tagapagmana, maaaring magmana ang hindi lehitimong anak ng katumbas ng kalahati ng mana ng legitimate child (Article 176, Family Code). Subalit, kailangang patunayan niya ang kanyang paternity o filiation sa kanyang ama. Ang filiation ay ang relasyon ng ama sa kanyang anak.
Ang pagiging illegitimate child ay mapatutunayan sa parehong paraan kung paano pinatutunayan ng legitimate child ang kanyang estado bilang lehitimong anak ayon sa Article 175 ng Family Code. Kung paano ito mapatutunayan ay makikita sa Article 172 ng nasabing batas kung saan nakasaad na:
“Art. 172. The filiation of legitimate children is established by any of the following:
(1) The record of birth appearing in the civil register or a final judgment or
(2) An admission of legitimate filiation in a public document or a private handwritten instrument and signed by the parent concerned.
In the absence of the foregoing evidence, the legitimate filiation shall be proved by:
(1) The open and continuous possession of the status of a legitimate child; or
(2) Any other means allowed by the Rules of Court and special laws.”
Ayon dito, ang illegitimate child ay kailangang kilalanin ng kanyang ama bilang anak sa pamamagitan ng tala sa birth certificate ng bata o sa pinal na desisyon ng hukuman. Maaari ring kilalanin ang illegitimate child sa pampubliko o pribadong dokumento na nasa sulat-kamay ng kanyang ama.
Kung hindi kinilala ng ama ang kanyang illegitimate child sa pamamagitan ng mga unang nabanggit, mayroong pangalawang uri ng patunay o ebidensiya upang mapatunayan ang pagiging illegitimate child ng tao. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang bukas at patuloy na pagtamo ng estado ng illegitimate child sa loob ng mahabang panahon at iba pang mga paraan na pinapayagan ng Rules of Court.
Ayon sa Sec. 39, Rule 130 ng Rules of Court, ang pahayag ng namatay na tao tungkol sa estadong pampamilya ng iba na may relasyon sa kanya sa pamamagitan ng kapanganakan o kasal ay maaaring tanggapin bilang katunayan ng estado ng huli kung ito ay nangyari bago magkaroon ng usapin tungkol sa estado nito. Kinakailangan lamang na ang nasabing relasyon ay mapatutunayan sa pamamagitan ng iba pang paraan maliban sa nasabing pahayag.




Comments