Ginuhit ng Tadhana vs. Share Share sa MMTCI

Magaganap ang laban ngayon sa Philracom Rating Based Handicap System Race sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Sa Race 1, magaganap ang 1st Winner Take All (WTA) nakalalamang ang Amiga habang makakalaban ang couple entry na My Priviledge at Proof It, isama ang Pinamalayan, Rafa at Light and Shade.
Sa Race 2, simula ng 1st Pick 5 at nakalalamang ang Cat’s Day habang makakalaban ang Smiling Gee at Dangerous Willie.
Pinapaboran ang Concepcion habang makakalaban ang Jade Master at Sizzling Hot sa Race 3 na simula ng 1st Pick 6.
Magsisimula ang 2nd WTA sa Race 4, paglalabanan ng Sorority Girl ang couple entry na Celebrity at Daughter of Dragon at Yes I Will.
Sa Race 5, ipinapatok ang Boundary habang makakalaban ang Persian Princess at Paano mo Nasabi.
Sa Race 6, kung saan magsisimula ang 3rd WTA, nakalalamang ang Willing Willie at makalalaban ang Golden Buzzer, Within Reach at Tito Gene.
Magaganap ang 2nd Pick 6 sa Race 7 at nakalalamang ang couple entry na Hold On at Only One habang makatutunggali ang Fire Bull.
Sa Race 8, nakalalamang ang May Silo makakalaban ang couple entry na Super Shelltex at Jewel in the Sky at No Problem.
Sa Race 9, nakalalamang ang Ginuhit ng Tadhana at makakalaban ang Share Share na simula ng Pick 4.
Sa Race 10, nakalalamang ang couple entry na Mama Pls. Don’t Cry at Latest Model habang makakalaban ang Classic Star, Fortune Island, Miss Rosario at Hello Junior.
Ipinapatok ang Harapin Mo sa Race 11 habang forecast lang ang Dancing Partner at Summer Cruise. Magkakalaban sa Race 12 ang Star of Lucena, Laughing Tiger, at My Way na magsisilbing paratingan sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4.





Comments