Garcia, handa kay Redkach, para makaporma kay Pacman
- Gerard Arce
- Jan 5, 2020
- 2 min read

Buong tatag na nakahanda si dating two-division champion Danny Garcia sa kanyang darating na laban sa Enero 25 laban kay Ivan Redkach, ngunit nakatuon pa rin ang buong atensyon nito sa posibleng pakikipagharap kay World Boxing Association (WBA) welterweight titlist Manny “Pacman” Pacquiao.
Aminado ang 31-anyos na Philadelphia-native na kinakailangan niyang makatapat ang eight-division World Champ upang mapatatag ang karera sa boxing.
“In order to become a legend, you’ve gotta beat the legend,” pahayag ni Garcia sa panayam ng Boxingscene.com. “You know, Manny Pacquiao’s had an incredible career. Being 41-year-old and beating a prime Thurman, he’s had an incredible career. He’s somebody definitely all the boxers should look up to. And for me to get the opportunity to fight him, you know, you’ve gotta beat the legend to be the legend. And that’s how I look at it,” dagdag nito.
Kasalukuyan pa ring walang inaanunsiyong makakalaban ang Fighting-Senator na buhat nang makuha ang titulo mula kay Keith Thurman noong Hulyo 2019 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada ay nanatiling tikom ang bibig ng kampo nito kung sino ang sunod na makakalaban.
“That’s a big win,” patungkol sa split-decision panalo ni Pacquiao kay Thurman. “He’s definitely a Hall-of-Famer. I just don’t know what he has left to prove, if you really think about it. Probably the money – that’s about it,” dagdag nito na nabitiwan ang titulo kay Thurman noong Marso 2017 dahil din sa isang split decision. “But he’s a legend. He’s done it all, and he’s still here. So, someone has to get him out of there to get him to retire.”
Tangan ang World Boxing Council (WBC) Silver welterweight title na napanalunan kay Adrian Ganados noong isang taon, susubukang talunin ni Garcia ang Ukranian southpaw na si Redkach na may three-game streak kasama ang dalawang magkasunod na knockout sa kalaban sina Tyrone Harris (KO, 1st round) at Devon Alexander (TKO, 6th).Matapos matalo kay Thurman ay nakabawi ito kay Brandon Rios sa sumunod na taon sa isang TKO victory, ngunit sa muling pagsubok niya sa titulo sa 147-lbs title ay muling nabigo ito laban kay Shawn Porter.





Comments