Dagdag-bawas sa presyo ng gas
- Gina Pleñago
- Jan 5, 2020
- 1 min read

Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ngayong linggo. May price hike sa diesel at kerosene na maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro.
Ang gasolina naman, posibleng mapako lang ang presyo o magkaroon ng maliit na rollback na P0.10 kada litro.
Samantala, ayon sa Department of Energy, wala pang oil company na nag-abiso na nagpatupad na sila ng dagdag-presyo dahil sa panibagong bugso ng fuel excise tax ngayong 2020.
Kaugnay nito, obligado ang mga gasolinahan na magpaskil ng karatula kung ipapatong na nila ang mas mataas na excise tax sa diesel, gasolina, gaas at liquefied petroleum gas.





Comments