top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

After X’mas season, babala ng MMDA.. Trapik, mas malala

Gina Pleñago
Jan 5, 2020
1 min read

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magiging mas mabigat ang trapiko sa buong linggo dahil magsasabay-sabay ang pagbalik ng mga taga-Maynila na nagbakasyon sa kani-kanilang lalawigan sa pagtatapos ng Christmas Season.

Ayon kay Asst. Secretary Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, magdaragsaan ang mga mag-uuwiang mga taga-Metro Manila na galing sa probinsiya dahil may mga pasok na sa trabaho at pagbabalik ng mga estudyante sa kanilang paaralan.

Kaya asahan na magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa buong papasok na linggo. Magbabalik din umano ang normal na wala nang ‘rush hour’ sa mga kalsada sa Metro Manila dahil sa rami na naman ng mga sasakyan.

Batay sa ahensiya, ang normal na volume ng mga sasakyan sa EDSA ay aabot sa 410,000 habang nitong Holiday Season ay bumaba sa 100,000 kada araw.

Handa naman ang 2,000 tauhan ng MMDA na muling mamahala sa trapiko.

Kabilang sa mga choke point ang Old Samson Road sa Balintawak, Quezon City na nabunyag na patuloy ang ilegal na pagparada na pinaaalis lang ng mga traffic enforcer kapag may dumarating na tauhan ng media.

Ani Pialago, tututukan ang naturang insidente upang makilala at mapanagot ang mga tauhan na hindi tumutupad sa kanilang tungkulin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page