top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 menor-de-edad huli sa aktong nagdodroga

  • Gina Pleñago
  • Jan 5, 2020
  • 1 min read

Kalaboso ang tatlong menor-de-edad matapos maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga sa Bgy. San Miguel, Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Nasa kustodiya ng Taguig City Police ang tatlo na itinago sa pangalang Jess, 17; Kim, 15, at Dennis, 15, kapwa mga estudyante ng Bgy. Hagonoy.

Sa ulat ni Police Capt. Ariel Ilagan, alas-2:30 ng hapon nang maaktuhan ang tatlo na pawang nasa drugs watchlist sa nasabing barangay.

Sinabi nito, nakatanggap sila ng report mula sa isang empleyado ng resort kaugnay sa nagaganap na pot session sa nasabing lugar.

Bumuo ng team si Ilagan upang puntahan ang naturang lugar at dito naabutan ang tatlong kabataan na umano’y gumagamit pa ng ilegal na droga.

Narekober sa tatlo ang nasa 1.5 gramo ng pinatuyong marijuana at wooden pipe.

Dinala ang tatlo sa nasabing himpilan ng pulisya at ang mga nakuhang droga ay dinala sa Southern Police District (SPD) Crime Laboratory para sa pagsusuri.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page