top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pinakahuling tala ng DOH.. 340 nadale sa paputok

  • Madel Moratillo
  • Jan 4, 2020
  • 1 min read

Umakyat na sa 340 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa pagsalubong sa taong 2020.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), may naidagdag pang 52 biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Gayunman, ayon sa DOH, mababa pa rin ito ng 5% kung ikukumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang, 339 ang tinamaan ng paputok, habang isa naman ang nakalunok ng paputok.

Wala namang naiulat na tinamaan ng ligaw na bala at wala ring naiulat na nasawi.

Karamihan sa mga tinamaan ng paputok ay mula sa National Capital Region, Region 6 at Region 1.

Sa NCR, karamihan ng mga kaso ay naitala sa Maynila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas at Mandaluyong.

Sa mga biktima, 245 ang nagtamo ng blast burn, 82 ang eye injuries at 14 naman ang kinailangang i-amptutate.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page