Naka-move on na raw sa pang-iiwan ni Gerald, pero… Sigaw ni Bea: Taong umaalis nang walang paalam, a

Photo: @beaalonzo
In her latest interview ay inamin ni Bea Alonzo na naka-get-over na siya sa breakup nila ni Gerald Anderson pero diretso niyang ipinahayag na “asshole” raw ang mga taong umaalis without saying goodbye.
Sinabi ito ni Bea sa kanyang panayam sa Esquire Magazine Philippines online kung saan siya ang cover story for January, 2020.
“I’m so over it, baka mag-feeling-guwapo pa ‘yung ex ko. Leaving somebody without saying goodbye is such an asshole thing to do. I’m sorry but I can’t think of a perfect word for it—it’s so disrespectful,” ang pahayag ni Bea.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang hiwalayang Bea-Gerald dahil dawit si Julia Barretto na sinasabing third party. Dito rin nalaman ng marami ang ibig sabihin ng salitang “ghosting” na millennial term sa mga taong basta na lang iniiwan ang karelasyon nang walang sabi-sabi.





Comments