MMTCI: Sky Candy vs. Heneral Kalentong

Magandang laban ang matutunghayan sa 3 Year Old Group sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Sa Race 1, magaganap ang 3 YO Group Race 6-7 at paglalabanan ng pitong kalahok na simula ng 1st Pick 5.
Maglalaban sa naturang karera ang Sky Candy at Heneral Kalentong na kapwa pinapaboran sa laban.
Sa Race 2, umpisa ng 1st Winner Take All (WTA) pinapaboran ang couple entry na It’s A Deal at Crown In My Head makakalaban ang Hold On at Chinito.
Sa Race 3, magkakalaban ang Shoo-In, Beacon Street, Vivid Pink at Gentleman Jim umpisa ng 1st Pick 6.
Magsisimula ang 2nd WTA sa Race 4, paglalabanan ng All For Gee, Rosario Princess at Taranasakalyos.
Sa Race 5, magaganap ang 2nd Pick 6 at pinapaboran ang Camorra, makakalaban ang Batang Baclaran, Tubig at Langis manmanan ang Tonador.
Sa Race 6, nakalalamang ang couple entry na Leather Touch at Greatest Joy laban sa couple entry na Mount Kanlaon at Mount Arayat.
Magaganap ang Pick 4 sa Race 7 at nakalalamang ang Oasis habang may laban ang I Feel Good.
Sa Race 8 nakalalamang ang Du Pont Circle habang makakalaban ang Makaarem, isama sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang Barrio San Jose, Siquijor, Significant Play at Coastal Road.
Sa Race 9, ipinapatok ang Señor Lucas, magsisilbing kalaban ang Sooner Time at Garantisado.
Sa Race 10, nakalalamang ang Magat Salamat sa Take Advantage na magiging paratingan ng WTA, Pick 5, 6 at Pick 4.





Comments