top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Katiwala ng ama sa negosyo, suspek.. 12-anyos ginilitan, patay

  • V. Reyes
  • Jan 4, 2020
  • 1 min read

Laslas ang leeg at wala ng buhay nang matagpuan ang 12-anyos na babae sa Angeles City, Pampanga, kamakalawa.

Ayon sa Angeles City Police Office, nadiskubre na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktimang itinago sa pangalang “Mira” sa loob ng bahay nito.

Arestado naman ang suspek na si Jordan Banalnal, katiwala sa negosyo ng mga magulang ng biktima.

Batay sa pagsisiyasat, huling nakitang buhay si ‘Mira’ na kasama ng suspek sa loob ng bahay. Nakuha rin kay Banalnal ang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng pagsusuri para makumpirma kung hinalay din ng suspek ang biktima bago pinatay.

Walang ibinigay na pahayag ang naarestong suspek tungkol sa reklamo laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page