Iwas-scam.. Pagsulat ng taong ‘2020’ sa dokumento, dapat buo

Bagama’t, hindi isinasaad sa batas ang tamang pagsulat ng petsa, nagpayo ang Department of Justice na isulat nang buo ang taong ‘2020’ imbes na shortcut na ‘20’ upang makaiwas sa scam.
Maaari kasi umanong dugtungan para madagdagan o mabawasan ang taon. Kaya paalala, bagama’t, hindi isinasaad sa batas ang tamang pagsusulat ng petsa, mabuti na ang nakasisiguro.
“Marami kasing puwedeng gawin if nag-shortcut ka sa paglalagay ng date sa isang dokumento. Puwedeng magdagdag ng isang number.
For example for ‘2020’, kapag nilagay mo lang na ‘20’ puwede siyang gawing 2019 or pababa or puwede ring pataas ‘2021’ onward,” babala ni Justice Undersecretary Markk Perete.
Kapag naman hindi nag-ingat sa pagsusulat ng petsa sa deed of sale sa bentahan ng mga ari-arian, maaaring matakasan ang pagbabayad ng tamang buwis o capital gains tax.
Giit ng DOJ, mahalaga rin ang petsa sa pagsasampa ng kaso lalo’t detalye ito sa pag-aakusa ng krimen.





Comments