P10 taas-presyo sa Beep card

Tumaas na ng sampung piso ang benta ng stored value Beep cards na ginagamit sa train system sa Metro Manila, simula ngayong taon.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), mula sa dating P20 ay naging P30 na ang bawat reloadable card.
Alinsunod ito sa naging concession agreement sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at AF Payments, Inc. Ang AF Payments ang humahawak ng Beep System ng MRT 3, LRT Lines 1 at 2. Unang ipinatupad ang Beep card system noong 2015.





Comments