top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Never pa raw nagka-BF… Sigaw ni Sanya: Game na ako sa mga lalaki ngayong 2020!

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 3, 2020
  • 1 min read

Seksing-seksi na ang Calendar Girl na si Sanya Lopez at goal pa rin niya ang ma-maintain ang kanyang body figure. Kahit mahusay siyang umar­te at maganda, ayaw niyang magpabaya sa katawan dahil puhunan niya ito sa kanyang showbiz career kaya regular ang kanyang pagdyi-gym at pagda-diet.

At dahil kinukulit na siya ng entertainment press kung kailan ipakikilala ang lucky guy na kan­yang mamahalin, nagpramis si Sanya na magkakaroon na siya ng love life ngayong 2020.

Sabi niya, hindi naman ma­ka­ka­apekto sa kanyang career kung magkakaroon man siya ng boyfriend. Sey pa niya, magbibigay pa ‘yun ng inspirasyon upang mas ga­lingan niya ang mga susunod na projects.

For sure, mas magiging pur­sigi­do na ang mga suitors ni San­ya dahil nagdeklara na ang sexy Ka­puso actress na handa na si­yang buksan ang kanyang puso at pu­mi­li ng mamahalin.

Sino kaya ang mapalad na guy na magiging BF ni Sanya?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page