top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Magkapitbahay nagpatayan

  • Maeng Santos
  • Jan 3, 2020
  • 1 min read

Dedo ang isang lalaki habang nasa kritikal na kalagayan ang kapitbahay nitong security guard matapos magduwelo sa patalim sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Bernard Hamer, nasa hustong gulang ng Bgy. 164, habang si Juvie Diaz, 39, ay kritikal sa Global Medical Center sanhi rin ng mga saksak sa katawan.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, naganap ang insidente alas- 4:00 ng Miyerkules ng hapon sa loob ng bahay ni Diaz.

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Judith Dalida, 47, nasa loob ng kanyang bahay si Diaz nang pasukin ito ng biktima at sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo na sinundan ng kaguluhan.

Makalipas ang ilang sandali, nakita si Diaz na may mga saksak sa katawan habang palabas ng kanyang bahay at hiniling nito sa mga barangay opisyal na dalhin siya sa ospital.

Nakita naman ng mga bystander na sumilip sa loob ng bahay ni Diaz si Hamer na nakahandusay sa salas at duguan na naging dahilan upang humingi ang mga ito ng tulong sa pulisya.

Narekober ng mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct 7 sa lugar ang isang duguang patalim na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay kay Hamer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page