top of page
Pokwang.jpg

Krisis sa tubig, solusyunan, ‘wag ipasa sa taumbayan

Ka Ambo
Jan 3, 2020
1 min read

Bagong Taon na!

Nagbabadya ang water crisis!

◘◘◘

WALANG solusyon ang gobyerno sa krisis sa tubig.

Obligasyon ng dalawang water concessionaires ang maghanap ng mapagkukunan ng tubig!

◘◘◘

DATI-RATI, ang lahat ng bayan ay may deepwell na pinagkukunan ng tubig.

Dapat buhayin ito bilang “emergency measures”.

Ang pondo ay dapat magmula sa mga water distributors at hindi babalikatin ng mga konsyumer!

◘◘◘

DAPAT rebyuhin ang kontrata, prangkisa o anumang batas na pinanghahawakan ng dalawang water distributors.

Ayusin ito pabor sa mamamayan imbes na pabor sa mga kapitalista!

◘◘◘

MAGHUHUKAY ng tubig at oxygen ang NASA sa Mars.

Ito ay para makalipat at makapanirahan ang mga tao sa hinaharap!

◘◘◘

IPAGBABAWAL na ang pagtatrabaho ng Pinoy sa Kuwait.

Malaking tama ‘yan!

◘◘◘

IPINOPROTESTA rin ng Indonesia ang pagpasok ng China.

Hanggang protesta lang din sila.

Eh, bakit?

◘◘◘

IPINAUUBAYA ni P-Digong sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-aayos ng Philippine National Police (PNP).

Dapat lang!

◘◘◘

MAY pag-asa pang mabuhay ang peacetalk sa Communist Party of the Philippines (CPP) - New People’s Army (NPA).

Mabuti naman!

◘◘◘

BUBUWELO na ang 2022 Presidential Elections.

Tutukuyin na ang mga aspirante ngayong taong ito!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page