Kongreso, nagpahiwatig na tagilid talaga ang prangkisa ng DOS
- Pabs Hernandez III
- Jan 3, 2020
- 2 min read
SEN. PACQUIAO, ‘TIKLOP’ SA TRAVEL BAN NG AMERIKA — Kung noon, isa si Sen. Manny Pacquiao sa mga nagtatanggol kay P-Duterte at dumadaldal laban kay Sen. Leila de Lima, ngayon ay tahimik lang si Sen. Pacquiao sa isyung banned na sa Amerika ang mga sangkot sa pagpapakulong sa detinadong senadora.
Siguro kaya dedma lang si Sen. Pacquiao sa kontrobersiyal na travel ban sa Amerika ay dahil nangangamba siyang mabuwisit si Sen. Leila at isama ang kanyang pangalan na ma-ban sa United States (US).
Magiging dahilan pa ito para hindi na siya kumita ng milyun-milyong dolyares sa pagba-boxing sa Las Vegas at ma-freeze pa ang mga ari-arian nito sa Tate, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE, BINU-BULLY ANG KORTE DAHIL SA PROYEKTO NG CHINA AT NI RAZON — Binalaan ni P-Duterte ang mga korte na huwag mag-iisyu ng temporary restraining order (TOR) na magiging sanhi para maantala ang China funded project na Kaliwa Dam sa Quezon Province at ang Enrique Razon Project na Wawa Dam sa Rizal Province dahil ayon sa kanya, hindi ito (TRO) kikilalanin ng kanyang administrasyon.
Onli in da Pilipins lang na ang korte ay binu-bully ng pangulo, period!
◘◘◘
SA TEMA NG STATEMENT NI CONG. ALVAREZ, PARANG IBABASURA NG KONGRESO ANG HIRIT NA PRANGKISA NG ABS-CBN — Ayon kay Palawan 1st Dist. Rep. Franz Alvarez, chairman ng House Committee on Legislative Franchises, ang hinihirit na renewal para sa prangkisa ng ABS-CBN ay hindi karapatan ng Kapamilya Network kundi prebilehiyo lang daw.
Nakupo, sa tema ng salita ni Cong. Alvarez, tila susundin ng Kongreso ang kagustuhan ni P-Duterte na ibasura ang renewal sa prangkisa ng ABS-CBN, hu-hu-hu!
◘◘◘
HINDI TAMA NA RETIRED ARMY GENERAL ANG ‘MAMUNO’ SA PNP — Hindi man aminin, pero para sa mga police general ay hindi katanggap-tanggap ang desisyon ni P-Duterte na ipamahala kay DILG Sec. Eduardo Año ang pamumuno sa PNP.
Napakaraming matitino at magagaling na police generals na puwedeng maging PNP chief, tapos isang retiradong army general ang inatasan ng pangulo na mamuno sa Pambansang Pulisya, tsk-tsk-tsk!





Comments