Type na type ang katrabaho na may BF na kaya nag-aalangang umanin

Dear Roma, Call me Mike, 26 years old na ako at call center agent. Masasabi kong may maganda akong income and sa tingin ko, puwede na akong mag-asawa at kaya ko na ring magpamilya. May nagugustuhan akong kasamahan ko rito sa company. Maganda at simple siyang babae, gayundin, walang kaartehan sa katawan. ‘Yun nga lang, may boyfriend na siya, pero bihira ko siyang makita, ni hindi siya sinusundo rito. Nakatutuwa kasi palagi kaming nagkakasabay. Madalas, pareho kami ng schedule sa trabaho, sa snacks at ‘pag gimik ang usapan, sumasama siya sa akin. Masaya kami ‘pag magkasama kahit sa fastfood lang kami kumain. Hindi ko masabi sa kanyang gustung-gusto ko siyang maging girlfriend dahil nagaalangan ako, pero komportable talaga ako sa kanya. Palagi rin akong excited pumasok dahil makikita at makakasama ko siya. Hesitant akong magsalita sa kanya ng feelings ko dahil may boyfriend na siya. Ano ang dapat kong gawin? —Mike
Mike, Hindi masyadong kumplikado ang sitwasyon mo. Sabihin mo lang sa kanya ang nararamdaman mo kung talagang sa tingin mo ay type mo siyang maging girlfriend. Huwag kang mag-alangan na magtapat, kaya lang, maging handa ka kung ano ang isasagot niya. Puwedeng kapag sinabi mo ang nararamdaman mo at layuan ka na niya o lalo kayong mas maging malapit sa isa’t isa. Huwag mo ring patagalin ang pagsasabi sa kanya dahil du’n mo rin malalaman kung ano ang nararamdaman niya para sa iyo kahit may boyfriend na siya. Alisin mo ang takot sa puso mo para masabi mo ito nang maayos. Good luck!





Comments