top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa loob ng 10 taon, sobrang dami raw ng pinagdaanan… Angelica, umaming nalamang ampon, namatayan ng

  • Vinia Vivar
  • Jan 2, 2020
  • 2 min read

Photo: @iamangelicap

Sa pagtatapos ng taong 2019, may pa-throwback post si Angelica Panganiban sa nakalipas na 10 taon ng kanyang buhay and you’d be surprised dahil napakarami niyang napagdaanan sa loob ng isang dekada na ‘yun.

“Sa loob ng sampung taon, literal na roller coaster ride. Nalaman kong adopted ako, nagtago ako ng ilang buwan sa pamilya ko. Dahil hindi ko alam kung paano sila haharapin. Nahihiya ako sa kanila. Nakilala ko ang mga kadugo ko. Para lang siguro malagyan mo ng mukha ‘yung mga taong nasa imahinasyon mo lang.

“Iniwan din kami ni Mommy Mila pagkatapos ng ilang taon. Kasabay ng taon na ‘yun, nagkaroon ng cancer si Mama. And we survived. Hindi nagtagal, si Papa naman ang namahinga.

“Nawalan ng mga kapamilya, karelas­yon, kaibigan,” ang simula ni Angelica.

Ibinahagi rin niya na hindi naging madali para sa kanya ang mga trahedyang pinagda­anan.

“May mga araw na hindi ko alam kung kakayanin ko pang bumangon. Nang literal. Ayoko nang tumayo. Ayoko na tumawa. Ayoko na. Pero ginawa akong matibay ng panahon at Panginoon,” aniya.

Good thing ay nagpakatatag ang aktres sa lahat ng unos.

“Sa kabila ng lahat ng nawala, nakasa­kit at nasaktan ko, hindi ka dapat du’n mag­tapos. Hindi ka dapat tapusin ng sakit. Kasi ang sakit ang magpapatibay sa ‘yo. ‘Yun pala ang kailangan mo para makabangon.”

Pero inamin din niyang dahil sa mga nangyaring kabiguan ay takot na siyang magtiwala.

“Sa kabila ng lahat, takot pa rin akong magtiwala. Parte na siguro ‘yun ng napag­daanan. Sa kabila ng lahat, hindi ako sumukong magdasal. Dahil mas marami akong dapat ipagpasalamat.

“Naniniwala akong pinilit tanggalin ni Lord ang mga taong hindi mo na kailangan sa buhay mo. Dahil inihahanda ka Niya sa mga tao na nararapat sa kung ano ka at kung ano ang kaya mong ibigay.

“Sa sampung taon, natuto akong magpatawad. Natuto akong ipagdasal pa rin sila. Magdasal na hindi mawala sa akin ang aspeto na ‘yun. At natuto akong bigyan ng atensiyon ang sarili ko at ang mga tunay na nagmamahal sa ‘kin,” she continued.

Sa huli ay nagpasalamat si Angelica sa mga kaibigan at mahal sa buhay na laging nandiyan sa tabi niya. Positibo rin siya na magiging mas maganda ang mga darating pang taon sa kanya.

“Naniniwala akong mas magi­ging mainam ang mga darating na taon. ‘Ika nga nila, kapag lug­mok ka na, wala ka nang ibang pupuntahan kundi pataas.

“Mabuhay ang mga taong patuloy na lu­malaban, nag­darasal at hindi sumusuko sa pag-ibig. The best is yet to come.

“Salamat sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay na patuloy akong pini­piling ma­ka­sama sa buhay nila. Hindi ko kayo bibi­guin. Cheers to 2020,” pag­tatapos ng aktres.

Sa comments section ay suma­got na­man ang isa sa mga best friends niyang si Bela Padilla at aniya, “You are one of the best parts of my decade, I’m happy when you are.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page