top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P8 dagdag-presyo sa LPG

V. Reyes
Jan 2, 2020
1 min read

Sinalubong ng pagtataas ng presyo ng liquefied Petroleum Gas (LPG) ang Bagong Taon na aabot sa halos P8 kada kilo.

Nauna nang nagpatupad ng taas-presyo na P7.55 per kilo ng cooking gas ang mga kumpanyang Phoenix LPG Philippines at Petron. Nangangahulugan ito na aabot ng P83.05 ang imamahal ng kada 11-kilong tangke ng LPG.

Nasa P4.25 kada kilo naman ang itinaas ng kumpanyang Petro sa kanilang autoLPG. Nasa P6.74 naman ang taas-presyo ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG.

Epektibo kahapon ng alas-12:01 ng hatinggabi ang nasabing dagdag-presyo na epekto umano ng paggalaw ng international contract price ng LPG ngayon sa buwan ng Enero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page