P-Digong, aminadong walang elibs sa mga taga-Maynila
ABS-CBN, MAGIGING DDS-CBN NA? —Matapos sabihin ni P-Duterte na ibabasura niya ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 2020, sinabihan nito ang Pamilya Lopez na ibenta na lang ang Kapamilya Network.
Sakaling ibenta at ang makabili ay kapitalistang DDS, malamang ang maging pangalan na ng ABS-CBN ay DDS-CBN, boom!
◘◘◘
DAPAT GAWIN DIN NI SOTTO ANG WISH NIYANG HUWAG NANG PUMATOL SA FAKE NEWS — Ang New Year’s wish ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga Pinoy ay huwag na raw sanang pumatol sa mga fake news.
Sana, wish din ‘yan ni Sotto sa sarili niya kasi isa siya sa mga pumapatol at naniniwala sa mga pekeng balita, tulad nang paniwalaan niya ang fake news ni RJ Nieto, DDS blogger na fake news lang daw ni Sen. Leila de Lima na banned na sa Amerika ang tropang Duterte, period!
◘◘◘
P-DUTERTE, WALANG BILIB SA MGA TAGA-METRO MANILA? — Ipinamahala ni P-Duterte kay DILG Sec. Eduardo Año ang pamumuno sa PNP. Ayon sa pangulo, “Basta mga taga-probinsiya, mahuhusay ang mga pulis. But in Manila? That’s why I did not appoint PNP chief.”
Parang sinabi na rin ni P-Duterte na wala siyang bilib sa mga taga-Metro Manila, tsk-tsk-tsk!





Comments