top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Level-up bilang singer-performer… Alden, magko-concert sa Araneta Coliseum

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 2, 2020
  • 1 min read

Kakaibang energy ang ipinakita ni Alden Richards nang mag-host at mag-perform sa ginanap na GMA-7 New Year’s Countdown noong Dec. 31 sa MOA.

Total performer na talaga ang Pambansang Bae, dahil bukod sa acting, singing at dancing ay bihasang-bihasa na rin siya sa pagho-host ng show. Nasanay nang husto si Alden sa Eat… Bulaga! at Sunday PinaSaya.

Kaya naman, isa rin siya sa mga Kapuso stars na kasama sa bagong Sunday musical show, ang All-Out Sunday na mapapanood na simula sa Jan. 5.

Maganda ang vibes ng Pambansang Bae sa pag­pasok ng taong 2020 na Year of the Metal Rat. Ongoing pa rin ang serye niyang The Gift. May mga bagong endorsements din siya at ngayon pa lang ay pinagha­handaan na niya ang kanyang malaking concert sa July 2020 sa Araneta Coliseum. Pang-Big Dome na si Alden at level-up na siya as singer-performer.

Nagsilbing hamon kay Alden ang mga pagpuna sa kanyang kakayahan bilang mang-aawit.

Sa araw na ito, nagdiriwang ng kanyang kaara­wan ang ipinagmamalaking aktor ng GMA Network na si Alden. Wish namin ang patuloy na tagumpay ni­ya sa kanyang career, more TV and movie projects.

Also, kaarawan din ng aming inaanak at Entertainment editor ng Bulgar na si Janice D.S. Navida. Sabi ng mga psychics, suwerte siya na ipina­nganak noong Year of the Rooster ngayong taong 2020, ang Year of the Metal Rat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page