top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Konting sakripisyo para sa pagbabago

  • Isko Moreno
  • Jan 2, 2020
  • 1 min read

Ngayong Bagong Taon, nais nating humingi ng paumanhin sa mga hindi naging komportable at naiilang nating mga kababayan sa pagbabagong nagaganap sa Lungsod ng Maynila, ipagpatawad ninyo at wala naman kaming ibang layunin kundi ang inyo ring kabutihan.

Ngunit nais kong ipabatid na ang mga ginagawa ng ating lungsod ay para sa mamamayan.

Nais nating isaayos ang maling paniniwala, sana, ngayong 2020, magbago ang ating pagtingin sa mga pagbabago, tignan natin ito bilang panibagong simula kung saan inaanyayahan tayong sumabay at ituwid ang mga baluktot nating paniniwala.

Kung kayo ay may maling nakasanayan, kailangan natin itong baguhin. Kung gusto natin ng tunay na pagbabago, kailangan nating magsakripisyo.

Makiisa tayo sa pagbabago para sa magandang kinabukasan at sa #BagongMaynila!

I-welcome natin ang Bagong Taon na may malinaw na pagtingin, ‘ika nga, 2020 na!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page