Isa pang US Senator, banned sa ‘Pinas

Isa pang mambabatas ng Estados Unidos ang pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapasok sa bansa na si Senator Edward Markey ng Massachusetts.
Ani Presidential Spokesman Salvador Panelo na pinatawan ng ban si Markey matapos itong magsalita at manawagan ng pagpapalaya kay Senator Leila de Lima.
Nabatid na sinuportahan din ni Markey ang entry ban sa US ng ilang opisyal ng Pilipinas.
“Yes, same reason for banning Durbin and Leahy. Truth to tell we do not have to state any ground to ban a foreign national entry in the Philippines. That is an exercise of sovereign right,” ani Panelo.
Una nang inatasan ni Pangulong Duterte ang Bureau of Immigration na huwag papasukin sa bansa sina US Senators Dick Durbin at Patrick Leahy.
Kabilang sina Markey, Durbin at Leahy sa 11 sponsors ng Senate Resolution 142 na ipinasa ng US Senate Foreign Relations Committee.





Comments