top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Aarestuhin sa pagpapaputok ng baril.. Mga pulis binaril, abogado kulong

V. Reyes
Jan 2, 2020
1 min read

Kalaboso ang 39-anyos na abogado makaraang barilin umano ang mga pulis na umaresto sa kanya dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril sa Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Police Major Ferdinand Laudencia, isinumbong sa pulisya ang suspek na si Alvin Endrinal makaraan umanong magpaputok ng kanyang kalibre .40 pistola sa labas ng bahay nito sa Bgy. Quirino, alas-2:30 kahapon ng madaling-araw.

Pinaniniwalaang lasing ang suspek nang isagawa ang indiscriminate firing sa lugar.

Nang rumesponde ang mga pulis ay sinubukang pahupain si Endrinal ngunit, sila umano ang pinaputukan ng suspek bagama’t, agad namang nakapagkubli ang mga awtoridad.

Sa bandang huli ay napasuko rin si Endrinal at ibinigay ang baril sa kanyang live-in partner.

Sinabi ni Laudencia na hindi ipinakita ni Endrinal ang kanyang lisensiya para humawak ng baril.

Maaaring maharap sa mga kasong attempted murder, illegal discharge of a firearm at illegal possession of a firearm and ammunitions ang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page