Problemado sa love life.. 18-anyos nagpaalam muna sa FB bago nag-suicide
- Mylene Alfonso
- Dec 31, 2019
- 1 min read

Nagpahiwatig pa ng gagawin niyang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagpo-post sa Facebook, ang 18-anyos na lalaki sa Sampaloc, Manila.
Wala ng buhay nang matagpuan ang biktimang si ‘Ronneil’, helper at nangungupahan sa Sampaloc.
Batay sa imbestigasyon ni P/EMS Jonathan Bautista, alas-5:15 ng madaling-araw nang madiskubre ni Rosalie Reyes, house caretaker, ang nakabigting biktima sa pintuan ng comfort room.
Ayon sa kaibigan at roommate ng biktima na si Jeric Ruelo, alas-12:30 ng hatinggabi nang makita pa niya itong umiinom ng beer malapit sa CR.
Ani Ruelo, maraming post ang kaibigan sa FB na tila pahiwatig at mensahe ng pagpapakamatay bukod pa sa larawan na may hawak itong nylon rope sa mismong banyo kung saan siya natagpuang nakabitin.
Posible umanong problema sa pag-ibig kaya nagkaroon ng matinding depresyon ang biktima na ayon pa sa kaibigan ay may isang buwan nang palaging malungkot. Nakita pa sa kanyang FB post ang katagang, “Born July 22, 2001, Died: December 30, 2019”.





Comments