Nagpa-home service.. Bebot, inabuso ng lalaking hairstylist
- Maeng Santos
- Dec 31, 2019
- 1 min read

Kulong ang isang lalaking hairstylist matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa isang dalaga sa Valenzuela City.
Dati na umanong nagho-home service ang suspek na si Jerome Roa, 28, ng Tugatog, Malabon City sa biktimang si alyas Danica, bagama’t, ang kapatid na babae nito ang madalas magpaayos.
Alas-2:30 kamakalawa ng hapon, muling nagtungo si Roa sa bahay ng biktima matapos siyang tawagan para sa hair treatment.
Gayunman, matapos umanong i-hair treatment ang biktima ay hinipuan niya ito.
Nagsumbong ang dalaga sa kanyang kapatid saka humingi ng tulong sa mga operatiba ng Valenzuela Police Community Precinct 2 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Ani Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, acts of lasciviousness ang isasampang kaso ng mga tauhan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) laban sa suspek sa piskalya ng Valenzuela City.





Comments