top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Triple double nagawa ni Pacman vs. Canadian

  • MC
  • Dec 30, 2019
  • 1 min read

Ipinakita ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang husay sa paglalaro sa basketball makaraang magbagsak ng triple-double sa laro ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Calgary, Canada.

Pinangunahan ni Pacman ang Team Pacquiao para sa naitala niyang 31 points, 11 assists at 10 rebounds.

Ito ang siyang nagpanalo sa kanyang team sa exhibition game laban sa Casem Calgary sa score na 116-99 sa MPBL exhibition match na idinaos sa Seven Chiefs Sportsplex.

Labis ang naging tuwa ng Pinoy fans sa lugar makaraan ang panalong laro ng team ni Pacman at nakipag-unahan ang mga ito sa pakikipag-selfie sa boxing champion. Magtutungo ang MPBL sa Edmonton at kahaharapin naman ng Imus team ang selected players ng Canada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page