top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Todo-lait ang inabot sa mga kamag-anak sa dami ng pimples, nawalan ng self-confidence

Roma Amor
Dec 30, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Kat, 23 years old at nagtatrabaho bilang freelance video editor. Dahil peak season ngayon ng mga kasal, birthday at reunion, sunud-sunod na projects ang natatanggap ko kaya naman super stressed ako ngayon to the point na halos dalawa hanggang apat na oras lang ang tulog ko dahil kailangan kong gawin ang mga nakapilang trabaho. Dahil dito, pansin na pansin na stressed ako dahil bukod sa ang lamya kong kumilos, naglabasan pa ang lahat ng pimples ko kaya nang mag-reunion kami, ‘yun ang palaging napapansin ng mga kamag-anak ko at inaasar pa ako kaya lalong bumaba ang confidence ko. Ano ang dapat kong gawin? — Kat

Kat, Dumarating talaga sa point na kahit anong pilit nating maging confident, balewala ito dahil sa mga taong nakapaligid sa atin. Nakalulungkot mang sabihin, pero may mga tao talagang insensitive kaya hindi nila napapansin na hindi na tama ang mga pagpuna at pang-aasar nila kaya nakakasakit na sila. Gayunman, kung stressed ka ngayon dahil sa dami ng workloads mo, ‘wag mong kalimutang kumain sa tamang oras, uminom ng maraming tubig at magpahinga ng ilang minuto habang nagtatrabaho. Kayang-kaya mo ‘yan, besh. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page