Habang nagsasalita sa stage, name ni Nora ang isinisigaw… Noranians, binastos si Amy Austria
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nakatanggap ng bigating parangal ang mga movie personalities na nagpakita ng kahanga-hangang kahusayan sa paggawa ng pelikula sa ginanap na 45th Metro Manila Film Festival Awards Night nu’ng Dec. 27 sa New Frontier Theater kung saan si Ms. Judy Ann Santos-Agoncillo ang hinirang na Best Actress at si Allen Dizon ang Best Actor, habang si Direk Brillante Mendoza naman ang Best Director na kapwa nagsama-sama sa Mindanao movie.
Apat na bigating aktres ang tumanggap ng Hall of Famer Best Actress award — sina Nora Aunor, Amy Austria, Vilma Santos-Recto at Maricel Soriano.
Tanging si Amy ang personal na tumanggap ng kanyang award, habang ang nag-iisang Superstar, ang batikan at magaling na manunulat na si Ricky Lee ang kumuha ng kanyang tropeo, at si Meryll Soriano naman ang nag-sub kay Maricel. No show naman si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
Ayon sa PEP Troika, hindi talaga balak isnabin ni Ate Vi ang big event pero dahil sa diumano’y wardrobe malfunction, hindi na siya tumuloy.
Sayang dahil halos magwala pa naman ang mga fans nina Ate Vi at Nora nang tinawag ang pangalan nila. Medyo nakakalungkot nga lang dahil habang nagsasalita si Amy ay panay ang sigaw ng mga Noranians ng “Nora, Nora, Nora!”
Anyways, sana ay magpatuloy ang magandang adbokasiya ng filmmaking at congratulations sa lahat ng winners.
Mabuhay ang film industry!





Comments