top of page
Pokwang.jpg

Building na walang roof vents, magmumulta!

Dr. Persida V. Rueda-Acosta
Dec 30, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Mayroon bang kaukulang parusa kung ang building ay walang roof vents na maaaring gamitin ng mga bumbero kung sakaling magkaroon ng sunog? - Callie

Dear Callie, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Rule 12, Section 12.0.0.4 (B) (4) (j) ng Revised Implementing Rules and Regulations (RIRR) ng Republic Act No. 9514 o mas kilala bilang “Fire Code of the Philippines of 2008” kung saan nakasaad ang parusa kung ang building ay walang roof vents na maaaring gamitin ng mga bumbero kung sakaling magkaroon ng sunog:

“4. Failure to provide the following safety construction, and protective and warning systems as required in Section 7, paragraph (d) of Republic Act No. 9514.

DESCRIPTION

J. Roof vents for use of firefighters.” (Binigyang-diin) SCHEDULE OF FINES

PhP 37,500 to PhP 50,000

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page