top of page
Pokwang.jpg

Pinakamalalaking kumita na atleta sa mundo, alamin!

MC
Dec 29, 2019
1 min read

Sa loob ng isang dekada, naglabas na ang Forbes ng bagong listahan ng mga atleta na may pinakamalalaki ang kinita sa loob ng 10 taon.

Siyempre numero uno riyan si Floyd Mayweather, Jr., na may kabuuang net worth na $1 billion, naalalang $500 million ang naiuwi niya nang dominahin si Manny Pacquiao na isa rin sa nangunguna sa listahan maging si Conor McGregor.

Nakagugulat din ang mga sumunod na pangalan sa ilalim ni Floyd.

Sa Estados Unidos din pumapang-apat na riyan si LeBron James at sumunod ang dalawang pinakamalaking pangalan ng soccer players. 10. Lewis Hamilton: $400 million; 9. Kevin Durant: $425 million; 8. Manny Pacquiao: $435 million; 7. Phil Mickelson: $480 million; 6. Tiger Woods: $615 million; 5. Roger Federer: $640 million; 4. LeBron James: $680 million; 3. Lionel Messi: $750 million; 2. Cristiano Ronaldo: $800 million; 1. Floyd Mayweather: $915 million.

Sa rami ng NFL players, wala sa kanila ang nakapasok sa Top 10. Pero ang nakagugulat, wala kahit isang baseball player ang nasa listahan. Anuman ang national interest sa MLB, ang liga ay nananatiling nasa balita dahil ang players ay lumagda pa para sa isang dekadang deals na makatatanggap ng malalaking kita.

Kailan lamang, si Bryce Harper ay lumagda sa 13-year, $330 million deal sa Phillies.

Pagdating sa court, si Kevin Durant ang ikalawang highest paid NBA player ng dekada, pero higit na mas maraming kinita si Steph Curry. Sa mga laro ni Curry, pag-deal ng rubber shoes, malamang kahilera na niya sa bilang si Durant.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page