Nakitulog sa pinsan, ginapang.. Grade 10 inabuso ng call center agent
- Maeng Santos
- Dec 29, 2019
- 1 min read

Kalaboso ang 30-anyos na call center agent matapos akusahan ng pangmomolestiya sa 16-anyos na estudyante na natulog sa bahay ng kanyang pinsan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Ang may asawang suspek na hindi na pinangalanan para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng biktima ay naaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct 9 matapos i-report ng ina ng dalagita ang insidente.
Sa nakarating na ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, kamakalawa ng gabi nang magtungo ang Grade 10 na biktima at kanyang pinsan sa bahay ng kanilang pinsan sa Bgy. Karuhatan kung saan nagpasya ang mga ito na magpalipas ng gabi.
Alas-4:45 ng madaling-araw, habang natutulog ang biktima sa sofa nang tabihan ng suspek at gawan ng kahalayan.
Sa kabila ng takot, nagawang maitulak ng biktima ang suspek saka ito tumakbo pauwi at nagsumbong sa kanyang ina.





Comments