Mahuhusay na players ng Gilas ang ilalaban sa FIBA qualifiers
- MC
- Dec 29, 2019
- 1 min read

Piling-piling mahuhusay na manlalaro ng Gilas Pilipinas ang ibabalandra ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa Pebrero 20 para sa Group A qualifiers FIBA Asia Cup 2021 na idaraos sa Thailand.
May napipili na umano si SBP president Al Panlilo na isasalang nila para sa naturang qualifiers.
Ilalabas na lamang nila ang final line-up, bago ang torneo. Sa naturang FIBA Asia Cup, hahatiin ang grupo na may tig-apat na team ang 16 slots.
Makakasama ng Pilipinas sa Group A ang Indonesia, Thailand at South Korea. Makakalaban ng Pilipinas ang Thailand sa Pebrero 20, susundan ng laban sa Indonesia sa Pebrero 23 at South Korea sa Nobyembre 27, kasunod ng Thailand sa Nob. 30.
Darayo ang Indonesia sa Pebrero 18 at South Korea sa Pebrero 21 para sa double round-robin ng Group A. Ilalabas ang naturang line-up nila sa Enero 6.





Comments