Ilang kalsada isasara sa Rizal Day

Magpapatupad ng road closure at traffic rerouting ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa ika-123 death anniversary ni Dr. Jose Rizal sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Ayon kay PLt. Col Carlo Magno Manuel, isasara simula alas-6:00 ng umaga ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw.
Lahat ng sasakyang daraan sa southbound mula sa Delpan Bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa papunta sa destinasyon.
Ang mga trailer truck at iba pang heavy vehicle na magmumula sa Delpan Bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa P. Burgos diretso sa Finance Road-Ayala Boulevard, kanan sa San Marcelino patungo sa destinasyon.
Nabatid na ang mga sasakyan naman na daraan sa northbound ng Roxas Blvd. ay dapat kumanan sa T. M. Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa papunta sa destinasyon.
Lahat ng trailer truck na daraan sa Roxas Blvd., mula P. Ocampo ay dapat kumanan sa President Quirino Avenue papunta sa destinasyon.
Samantala, lahat ng sasakyan na manggagaling sa Mc Arthur, Jones at Quezon Blvd., na daraan sa southbound lane ng Roxas Blvd. mula sa P. Burgos ay dapat dumaan sa Round Table papunta sa Ma. Orosa o dumaan sa Taft Ave. papunta sa destinasyon.





Comments