2019 Philracom Chairman Cup ngayon sa SAP

Bibitiwan ngayon ang 2019 Philracom Chairman’s Cup na paglalabanan ng limang kabayo sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Maghaharap na mananakbo ay ang Real Gold, Jayz, Shanghai Grey, Weather Lang at Accountant. Naghihintay ang unang premyong P1.2-M para sa tatanghaling kampeon habang ang segunda ay tatanggap ng P450,000, tatanggap ng P250,000 ang 3rd places at mapupunta sa 4th places ang P100,000. Pinapaboran ang Real Gold habang ang Shanghai Grey ang siyang makakalaban.
Samantala, maghaharap sa 2019 Philracom 3 Year Old Imported/ Local Challenge ang mga kalahok na Bullish Desiree, Queenboro, Will to Win, Magtotobetsky at Joyous Solution sa 2,000 meters.
Tatanggap ng P900,000 ang mananalo habang tatanggap ng P337,500 ang papangalawa, samantalang may naghihintay na P187,500 sa 3rd places at tatanggap ng P75,000 bilang 4th places.
Nakalalamang ang Will-To-Win habang Joyous Solution ang makakalaban ng mahigpit habang Magtotobetsky ay may tsamba.
Sa Race 1 magsisimula ang 1st Pick 5 at nakalalamang ang Viva Morena habang sa Race 2 magsisimula ang WTA at nakalalamang ang Fire Bull.
Sa Race 4 kung saan magsisimula ang 2nd WTA at nakalalamang ang Union Run habang makakalaban ang Gee’s Prize habang ang Race 6 nakalalamang ang couple entry na Villa ni Biboy at Heaven Strikes habang makakalaban ang Charlor.
Sa Race 7, magkakalaban ang Go Tango, Smart Tyler at Sir Jeboy sa 2nd Pick 6 habang sa Race 8 nakalalamang ang Iniki Runner laban sa Speak Easy, isama sa mga paratingan ang Golden Octagon.
Sa Race 9, magkakalaban ang Time of My Life at couple entry na Nostradamus at Concert King habang sa Race 10 magkakaharap ang mga mananakbong Mellifluous, Aim Thirty One, couple entry na Amiga at Mabalor, A song for Gee at Only One.
Ipinapatok ang couple entry na Sheer at Dragon Butterfly sa Race 11 at race 12, nakalalamang ang Double Sunrise at Undercover.





Comments