Kuryenteng pinakamalupet ng Bolts, ilalabas vs. Kings

Umaasa si Meralco Slotman Raymond Almazan na magiging kakaibang laro ang ipakikita ng Meralco Bolts upang tuluyan na nilang tapusin ang paghahari ng two-time tormentor na Barangay Ginebra sa susunod na linggo na sagupaan para sa PBA Governor’s Cup finals.
Dati na kasing sumuko ang Bolts sa Gin Kings sa kanilang showdowns ng season-ending finals noong 2016 at 2017, pero wala pa noon ang malakas na puwersa ng kanilang ipinagmamalaking do-it-all import na si Allen Durham.
Umaasa ang beteranong si Almazan, mula sa kanyang pagkaka-trade sa Bolts nitong kalagitnaan ng season, umaasa siyang maging si coach Norman Black na kaya na nilang tapatan ngayon ang Ginebra frontliners na sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar.
“Sa dalawang finals nila wala silang big man e, so nandito na ako ngayon medyo mapapadali na trabaho sa amin,” ayon sa 6-foot-7 na si Almazan na kinuha mula sa Rain or Shine para sa 2019 at 2021 sa isang draft picks noong Mayo.
“Alam naman natin yung Meralco naghahanap ng big man matagal na e. Sa presence ko siguro makakatulong ako this coming finals namin,” dagdag niya sa PBA.ph.
Hindi man nakapagkamada ng mas malaking iskor ang dating Letran star sa pahirapang semifinal duel ng Meralco kontra TNT KaTropa, nasukat na raw ng kanilang grupo ang ipinagmamalaking eksplosibong import na si KJ McDaniels at Troy Rosario.
Laban sa Ginebra, kaya raw makipagsabayan ni Almazan laban kina Slaughter at Aguilar. “Gusto ko yun kasi mga big man talaga. Masasabi mong matchup yung finals,” ayon sa 31-year old na tubong Pampanga.
Nagbalik si Almazan sa PBA finals matapos ang 3-taon na hindi naglalaro, ang huli niyang laro ay noong 2016 Commissioner’s Cup kung saan nagwagi ang Elasto Painters kontra Alaska Aces. “Sobrang tagal ko na hindi nag-finals, 2016 pa. Very excited ako, ready talaga kami,” aniya, “Going to the finals talaga, ang sarap ng pakiramdam.”
Kasalukuyang nasa Christmas break pa ang Meralco Bolts at Ginebra Kings bago pa ang pagsalang sa Round 3 ng kanilang bakbakan para sa Governor’s Cup title simula sa Enero 7, 2020 sa Smart Araneta Coliseum.





Comments