top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Habang nasa parking ng drug store.. 5 yrs. old nagulungan ng pick-up, patay

  • Janice Baricuatro
  • Dec 28, 2019
  • 1 min read

Patay ang isang 5-anyos na babae matapos magulungan ng pick-up na minamaneho ng isang ginang na magpa-park sa isang drug store upang bumili ng kanyang gamot, kamakalawa sa Tirona Highway Habay I, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang namatay na biktima na si Jewel Ann Dejito, 5. Naka-hospital arrest naman ang suspek na ginang na si Elizabeth Camello, 49, matapos atakihin ng highblood.

Batay sa imbestigasyon, alas-11:30 ng umaga, magpa-park ang sasakyan ng suspek sa Mercury Drug upang bumili ng gamot subalit, nahirapan ito sa pagpa-park kaya napasya na lamang itong gumilid.

Gayunman, hindi umano nito napansin ang bata na naglalakad sa gilid kaya nagulungan ito. Agad naman itong naitakbo sa pagamutan subalit, makalipas ang ilang oras na gamutan ay namatay din ito.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng magulang ng bata sa suspek na kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng hospital arrest.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page