top of page
Pokwang.jpg

Ganti ni P-Du30: Mga Kano, banned na rin sa 'Pinas

Pabs Hernandez III
Dec 28, 2019
1 min read

2 U.S. SENATORS NA IPINA-BAN NI P-DUTERTE, MAY BALAK BANG PUMUNTA SA ‘PINAS?—Bilang ganti sa pagsulong nina US Sen. Dick Durbin at Sen. Patrick Leahy na i-ban sa Amerika ang mga gov’t. officials na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipina-ban na rin ni P-Duterte sa Pilipinas ang dalawang U.S. senators.

Ngayong ipina-ban ang dalawang Kanong pulitiko, ang tanong, may balak ba silang pumunta sa ‘Pinas? He-he-he!

****

SA DAMI NG BANSA, U.S. PA ANG BINULLY NG DUTERTE GOV’T.—Nagbanta ang Duterte gov’t. na kapag tinotoo raw ng Amerika ang pag-ban sa tropang Duterte na makapasok sa United States, iba-ban na rin daw sa Pilipinas ang mga Kano.

Hay naku, sa dami ng bansang bu-bully-hin ng Duterte gov’t., eh, ang napagtripan pa ay ang ‘powerful’ na U.S., boom!

****

MGA TAGA-IBANG BANSA, WALA NANG ‘PAKI’ SA ‘PINAS?—Noon, kapag may tumamang kalamidad sa Pilipinas, simbilis ng kidlat na nagpapadala ng ayuda — tulong-pinansiyal at relief goods ang iba’t ibang bansa.

Pero ngayong tinamaan ng magkakasunod na lindol ang Mindanao at nang bayuhin ng Bagyong Ursula ang Visayas kung saan naiulat na maraming namatay at nawasak na ari-arian sa magkasunod na trahedyang ito, eh, wala man lang tayong nabalitaan na may bansang nagpadala ng tulong sa Pilipinas.

Epekto kaya ito ng madalas na pang-aaway ni P-Duterte sa ibang bansa kaya tila wala na silang pakialam kung anuman ang pagdaanan ng mga Pinoy?

Hu-hu-hu!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page