top of page

Babala ng FDA.. ‘Killer lambanog’ kalat na

  • Madel Moratillo
  • Dec 28, 2019
  • 1 min read

Nangangamba ang Food and Drug Administration (FDA) sa posibilidad na kumalat na sa merkado ang lambanog na nakalason sa daan-daang katao at nagresulta sa kamatayan ng ilang indibidwal.

Ito ang inihayag ni FDA OIC at Health Usec. Eric Domingo kasunod ng kumpirmasyon na may mga nakuha pang sample ang pulisya ng lambanog na mataas ang antas ng methanol.

Lahat aniya ng bagong sample na ito ay may mataas na methanol content batay na rin sa pagsusuri ng FDA.

Una nang napaulat na 17 katao ang nasawi matapos makainom ng lambanog.

Paliwanag ni Domingo, ang lambanog ay nakalagay lang sa bote ng tubig na maaaring mapagkamalang tubig at mainom lalo na ng mga bata.

May ibang sample pa aniya ang nasa bote ng lechon sauce.

Kaya naman inaasahang sa mga darating na araw ayon kay Domingo na hindi malayong madagdagan pa ang bilang ng mga nabiktima ng lambanog.

Tulad na lang sa Philippine General Hospital na may bagong 10 kaso ng methanol poisoning ang na-admit, kamakalawa.

Paliwanag ni Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, ang methanol poisoning ay hindi agad na nararamdaman ng nakainom nito.

Ilan sa mga sintomas nito ay pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagkawala o apektado ang consciousness level at panlalabo ng paningin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page