top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ASEAN School Games sa Dumaguete, malapit na

  • G. Arce
  • Dec 28, 2019
  • 1 min read

Photo: dumaguetemetropost

Mahigit sa 2,500 na student-athletes ang nakahandang lumahok para sa 12th ASEAN School Games na gaganapin sa Dumaguete City sa susunod na taon.

Napili ang naturang lungsod para pagganapan ng susunod na edisyon na nakatakdang salihan ng mga bansa mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao PRD, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.

Nitong Hulyo ay itinanghal na kampeon ang host-country na Indonesia na kumana ng 43 golds, 34 silver, at 25 bronze medals, na sinundan ng Thailand (33-31-35), Malaysia (18-25-34), Singapore (10-11-17), Vietnam (8-8-4) at Pilipinas na may 4-7-22 medals, na makikipagtagisan sa mga sports mula sa Athletics, Badminton, Basketball, Pencak Silat, Sepak Takraw, Swimming, Table Tennis, Tennis at Volleyball.

Masusing ininspeksiyon ng Department of Education sa pakikipagtulungan kina Dumaguete City head Felipe Antonio Remollo at Negros Oriental Governor Roel Degamo para ayusin ang mga kinakailangang pagganapang laruan, hotels at resorts ng naturang annual event.

Napili ang naturang lungsod dahil sa lumalaking reputasyon nito bilang sports destination ng bansa. Nais ni Remollo na maidagdag ang mga larong Baseball, Beach Volleyball o Archery sa siyam na sports sa kabilang sa Semarang meet.

Ang naturang annual sporting event na nilalahukan ng mga secondary schools na parte ng ASEAN region at napapasailalim ng ASEAN Schools Sports Council na naglalayong ipangalap ang pampalakasan sa rehiyon, gayundin ang pagpapatatag ng kabataan na may kaugnayan sa sports.

Isa rin itong daan upang mabigyan ng oportunidad ang mga kabataan upang ipamalas ang angkin nitong husay sa mga kapanalig bansa at nagpapakita ng pagpapalaganap ng kultural na kaalaman sa bawat isa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page