top of page
Pokwang.jpg

Presyo ng gas sisirit sa 2020.. P10 pasahe sa jeep

Mylene Alfonso
Dec 27, 2019
1 min read

Bubuhayin ng mga transport groups ang kanilang mungkahi na itaas ang presyo ng minimum fare ng jeep sa P10.

“Humihingi po kami ng pang-unawa sa mga pasahero hindi po kasi namin kakayanin kung tataas ang presyo ng diesel,” ani Roberto Martin, pangulo ng grupong Pasang Masda, sa isang panayam.

Kaugnay ang panawagan sa inaasahang bagong dagdag-buwis na ipapataw, partikular sa produktong petrolyo.

Ayon kay Finance Sec. Sonny Dominguez, epektibo na sa Enero 1, 2020 ang dagdag na P1.50 na excise tax sa kada litro ng petroleum products. Sa ilalim pa rin ito ng nilagdaang TRAIN Law.

Aniya, ito na ang huling tranche ng umento sa buwis at kung susumahin ay aabot na sa P2.50 kada litro na nag-umpisa noong 2018 at dagdag na P2 noong 2019.

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na bagama’t, malaki ang itataas sa presyo ng krudo sa merkado ay hindi naman nito mati-trigger ang suspension mechanism na nakapaloob sa batas. Sa oras na umabot na sa $80 ang presyo nito kada barrel ay pansamantala na munang isusupinde ang excise tax.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page