Mga palpak na opisyal ng Customs, imbes kastiguhin, binigyan pa ng award
- Pabs Hernandez III
- Dec 27, 2019
- 2 min read
ROAD USER TAX, GAGAWING DOBLADO NEXT YEAR! — Sa apat na panukalang dagdag-buwis na isasabatas ng Kongreso next year ay kabilang dito na gawing doble ang road user tax.
‘Yan ang hindi magandang pamasko at pang-Bagong Taon ng mga alipores ni P-Duterte sa Kongreso, ang magdagdag ng tax sa taumbayan, buwisit!
◘◘◘
CAYETANO, MAS GALANTE KAY P-DUTERTE — Pinanindigan ni Speaker Alan Peter Cayetano ang ginawa niyang pamumudmod ng tig-P150 K Christmas bonus sa staff ng mga kongresista.
Dagdag pa nito, kung siya lang daw ang masusunod, dapat daw lahat ng gov’t. workers ay bigyan ng ganyan kalaking bonus kada taon.
Ano ba ang gustong palabasin ni Speaker Cayetano sa statement niya, mas galante siya kay P-Duterte kasi P60 K lang ang Christmas bonus na ibinigay ng pangulo sa mga empleyado ng Malacañang? Boom!
◘◘◘
SABLAY ANG TAX COLLECTION, PERO BIGYAN PA NG AWARD ANG ILANG DISTRICT COLLECTORS NG CUSTOMS — Hindi lang pala promotion ang ginawa ni Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa kanyang mga tauhan sa Adwana, kundi namigay din ito ng “commendation awards” sa ilang district collectors ng Bureau of Customs.
Mantakin ninyo, nabigo na ang mga taga-Customs na makalikom ng sapat na buwis sa Adwana, tapos ang ginawa ni Comm. Guerrero, binigyan pa ng parangal ang ilang district collectors?
Onli in da ‘Pilipins lang ‘yan na ang mga palpak na opisyal ng Customs, binibigyan pa ng award, buwisit!
◘◘◘
ILLEGAL GAMBLING SA TANAUAN CITY, IPINA-STOP NI COL. SOBREPEÑA, PERO SI COL. SANTOS, ‘NGANGA’ LANG SA JUETENG SA CAVITE — Pagkaupo pala ni Lt. Col. Victor Sobrepeña bilang hepe ng Tanauan City Police Station sa Batangas ay nagdeklara agad ito ng “war on illegal gambling” kaya wala na ngayon ang raket ng mga ilegalista sa lungsod na ito.
Patunay ‘yan na kapag ginusto ng opisyal ng PNP na ipatigil ang illegal gambling sa kanilang nasasakupan ay puwede naman pala, pero hindi natin alam kay Cavite PNP Director Col. Marlon Santos kung bakit “nganga” lang siya sa raket na jueteng ni “Ariza” sa kanyang jurisdiction, boom!





Comments