top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bantay na ate, bumili sa tindahan.. 1 yr. old nakalabas, swak sa balon, patay

V. Reyes
Dec 27, 2019
1 min read

Todas ang isang taong gulang na lalaki makaraang mahulog sa balon sa Talisay City, Negros Occidental.

Batay sa paunang impormasyon mula sa Talisay City Police, saglit lamang na iniwan ng kanyang ate ang bata para bumili sa tindahan ngunit, pagbalik nito ay hindi na niya mahanap ang kapatid.

Makalipas ang ilang oras na paghahanap, natagpuan ang bata na nakalutang sa balon, ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Naisugod pa sa ospital ang bata pero, binawian din ito ng buhay.

Wala sa bahay ang mga magulang ng biktima nang mangyari ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page