top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Apektado raw sa mga ginagampanang roles… Bela, kumanta kung bakit nag-isip-bata

  • Mercy Lejarde
  • Dec 27, 2019
  • 2 min read

Sa pocket preskon ng isa sa mga lead stars ng Viva Films movie na Miracle in Cell No. 7 na si Bela Padilla ay natanong itech ni yours truly kung in real life ba, ano ang gusto niyang mangyaring miracle sa buhay niya.

“Ay, ang ganda naman nu’n. Siguro, sa personal life ko, na parang magkaroon ako ng time na ayusin ang personal life ko.

“Kasi parang ‘pag gumagawa ka ng project, nag-i-stop ‘yung totoong buhay mo, eh, ‘di ba? Kasi ibang character ‘yung gina­gawa mo. So, ‘pag gumagawa ka ng soap, halimbawa, for one year, ibang character ka muna, hindi ako si Bela. Tapos, magre-resume ka na naman.

“Parang ang feeling ko nga, kaya siguro nag-isip-bata ako… ‘yung parang ang gulu-gulo lang, parang nag-i-stop ang age ko… ‘yun nga, eh… parang nag-i-stop ‘yung progress ng real life ko.

“Yeah, minsan, nararamdaman ko, hindi ko na naiisip ang personal life ko dahil masyado kong iniintindi ‘yung mga roles na ginagampanan ko. Kasi gusto kong tutukan dahil binabayaran naman ako nang maayos, so, siyempre, dapat lang magtrabaho nang maayos.”

Hindi ba niya kayang pagsabayin ang love life at showbiz career niya?

“Dapat naman pagsabayin, kaya lang, hindi ko pa alam or baka lang hindi ko pa nagagawa. Baka kai­langan, dapat lang magkaroon ako ng time na umupo, especially now, that I am 28. Baka nga dapat may magturo sa inyo sa akin dito, ha-ha-ha!” ang mahaba niyang litanya sa amin.

In pernes, wala namang nagtanong kung ano’ng nangyari sa nakaraang love life niya with Neil Arce na ngayon ay balitang soon-to-be groom ni Angel Locsin because may saying nga na, “Past is past” at hindi na niya puwedeng kantahin pa ang awiting may lyrics that goes… “A kiss me once, a kiss me twice… a kiss me once again…” boom, ganern!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page