VP Leni, sapaw sa kasikatan ni Sen. Leila, 'manok' ng dilawan sa 2020
Binagyo ang Visayas sa araw ng Pasko.
Sumobra ang bendisyon!
◘◘◘
AKTIBO ang pederalismo sa iba’t ibang lugar.
Pero secret lang!
◘◘◘
MAAARING sorpresang ipatupad ang pederalismo.
By-hook or by-crook!
◘◘◘
TODO ang approval at trust ratings ni P-Digong.
Masyadong popular ang pangulo!
◘◘◘
PINAKAPOPULAR na pangulo noon si dating Pangulong Ramon Magsaysay.
Pero bigla siyang namatay sa kaduda-dudang eksena!
◘◘◘
NINAKAW daw ng China ang teknolohiyang panggiyera ng Russia.
Eh, bakit ninyo ipinanakaw sa kalaban ng U.S.?
Nagtatanong lang naman!
◘◘◘
HINDI malinaw ang kapalaran ng Hong Kong.
Bakit ang Pilipinas ba, may malinaw na hinaharap?
◘◘◘
AKTUWAL nang “manok” ng U.S. si Sen. Leila de Lima.
Walang duda, siya ang unang presidentiable ng oposisyon!
◘◘◘
NASAPAWAN ni Sen. De Lima ang popularidad ni VP Leni.
Puwede ring maging ‘Leni Robredo-Leila de Lima’ ang tiket ng oposisyon sa 2022.
Unlimited ang kanilang dolyares!
◘◘◘
OBVIOUS kung anong partido ang suportado ng U.S..
Ibig sabihin, obvious din kung anong partido ang suportado ng China!
◘◘◘
KAILAN kaya magkakaroon ng kandidato na tunay, wagas at lantay na makabayang Filipino?
Walang kandidato na kumakatawan sa interest ng bawat kayumanggi!
◘◘◘
MARAMING presidentiables ang pro-Duterte.
Lahat ay anti-U.S..
Malaking gulo ‘yan!





Comments